Ang mga Pamana ni Jose Rizal

Ang mga artikulo sa seksyon na ito ay nakabase sa mga akda ni Rizal – maging sulat, tula, maikling kwento o kaya ay nobela – na naglalaman ng kanyang mga kaisipan tungkol sa paksang katarungang bayan.

Base sa mga akdang ito ngayon ay ikinokonekta ng mga miyembro ang mga kaisipan ng Pambansang Bayani sa konteksto ng ibang panahon – maging ito man ay pre-Hispaniko o ang kasalukuyan – at sila ay naglalagom kung angkop pa rin ang mga kaisipan ni Rizal sa panahong napili nila.

———————————————————————

PAMANA
ni Charisse Anne de Leon

Para kay Rizal, ang Pilipinas sa kamay ng ng Espanyol ay dapat mapaunlad at mapag-aral. Sa akda ni Rizal na Come se gobiernan las Filipinas, binigyang punto nya ang mga maling pamamalakad ng Espanyol sa mga Pilipino.

Sa tatlong daang pamumuno ng Espanya sa Pilipinas, ang mga Filipino ay mga alipin at nag-angkin ng banyagang relihiyon, kultura at wika. Galing sa (Filipinas de cien años, 1890):

…Thus years and centuries rolled on.  Religious shows, rites that caught the eye, songs, lights, images arrayed with gold, worship in a strange language, legends, miracles and sermons, hypnotized the already naturally superstitious spirits of the country…

Nasilaw sila sa mga pang-akit ng mga Espanyol sa Katolisismo. Tinuruan ang mga Pilipino na maging masunurin kung kaya’t sila’y naging mga alipin.

Nawalan ng kamalayang indibidwal ang mga Filipino. Naging banyaga na ang kanilang mga pag-iisip. Bumaba ang tingin nila sa kanilang mga sarili at tumatak sa kanilang mga utak na sila ay nasa ibaba ng Espanyol. Bakit nga ba nangyari ito?

Nilinaw ni Rizal ang baluktot na pamumuno ng mga pinapadala ng Espanya dito sa Pilipinas. Kumbaga, may mali sa makinarya. Sabi niya, kahit na mismo ang mga Espanyol na namamahala ay nagbubulag-bulagan. Sinisisi nila ang mga kanilang kakulangan sa mga indio upang hindi na makita ang kanilang sariling pagkakamali.

Ang fraile na namumuno sa mga isla ay ang  dapat maging modelo ng kabaitan. Ngunit sa dinanas ng mga Filipino sa ilalim ng mga ito, parang kabaliktaran ba ang nangyari. Hindi na naging modelo ng kabaitan ang fraile, ngunit modelo na ito ng kasakiman. Ginamit ng mga fraile ang relihiyon upang maging “fanatics” at mapasunod ang mga Filipino at para masustentohan ang kanilang kasakiman. Imbes na gawin nang maayos ang kanilang pamamalakad ay ginawa pa nilang pagkakitaan ang mga Pilipino. Pinapapaniwala din nila ang kanilang mga sarili na sila ay magagaling na pinuno gamit ang kanilang mga kasinugalingan.

Ang pinakamataas na pwesto sa bansa noon ay ang Gobernador-Heneral. Nasabi ni Rizal na ang heneral ay dapat maalam sa mga taong pinamumunuan nito. Ngunit noong panahong iyon, ang pagtakda ng heneral ay base sa kakayahang military lamang. Kung kaya’t ang heneral ay humihingi pa ng tulong sa mga fraile. Dahil dito, parang naging fraile na rin ang namuno sa Pilipinas kung kaya’t karagdagan pasakit ang naranasan ng mga Pilipino.

Mayroong ding mga nasabi si Rizal patungkol sa mga Intsik na nanirahan noong panahong iyon. Ikinumpara ang mga ito sa pesteng “locust” na walang pakialam sa lupa. Ang nakakalungkot pa nga rito ay mayroon ding mga Filipino na ganito ang pag-iisip. Walang pakialam.

Bagamat maraming nasabi si Rizal sa mga pagkakamali ng Espanyol, hindi lang pala sila ang may sala kung di pati na rin ang mga Pilipino.

…They believe that by moaning and groaning, then sitting with their hands folded in their laps and letting things follow their course, they have done their duty…

Binigyang tuon nya na hindi alam ng mga Pilipino na ang kasaganahan ay makakamtan gamit ang sakripisyo. Nasabi din nya na iilan lamang ang nagdesisyong lumaban.

Sa pagtatapos ni Rizal ng artikulo, mahigpit niyang sinabi na walang maidudulot na mabuti ang pagiging kolonya sa bansa. Tanging kasarinlan lamang ang kailangan nito.

Mula noon hanggang ngayon, totoo pa din ang sinabi ni Rizal sa artikulo. Maihahalintulad natin ang panahon niya sa panahon natin ngayon. Karamihan ng mga nakaupo sa mataas na pwesto ay mga kurakot katulad ng mga fraile. Mayroon pa ding mga Pilipino na parang locust, walang pakialam. Karamihan ng mga Pilipino noon at ngayon ay mga nakaupo lamang at nakikidaloy lamang sa mga pangyayari. Sana ay mamulat naman tayo sa mga nasabi ni Rizal patungkol sa mga panlipunang isyung ito. At hindi lamang sana mamulat, kundi tayo ay tumayo at gumawa nang sa ganoon ay mapaunlad naman ang ating bansa.

———————————————————————

PANINIWALA O KATOTOHANAN?
ni Iris Grace Endozo

Rizal was perfect. Rizal was nationalistic. Rizal was intelligent. Rizal was a renaissance man, etc. In short, Rizal is a rebuke to ordinary mortals like you and me.

-Ambeth R. Ocampo, Rizal Without the Overcoat

Jose Rizal: pambansang bayani ng Pilipinas. Itinuturing na larawan ng karunungan, katapangan at katangi-tanging pagmamahal para sa bayan. Siya ang Rizal na ipinakikilala sa mga estudyante, mula sa  elementarya, patungong sekondarya hanggang kolehiyo. Matatagpuan din siya sa mga tekstong pangkasaysayan kung saan siya ay itinatampok bilang isang dakila at modelong Pilipino. Bagamat sapat na ang mga salaysay na ito sa mga taong ang pagturing kay Rizal ay isang pangalan o diskurso lang, ang pananatili sa ganitong pagtingin ay maihahalintulad sa pagtangging buksan ang isang kahong may itinatagong kung ano.

Ano ba ang nagawa ni Rizal upang siya ay gawaran ng napakataas na pagkilalang ito? Siya ang nagsulat ng mga akdang naging katalista upang kumilos at maglunsad ang mga pinuno ng rebolusyon ng isang katipunan. Ngunit hindi ba mas karapat-dapat na gawing prinsipal na bayani ng isang bayan ang pinaka-aktibo sa pakikipaglaban sa kalayaan nito, gaya ni Washington ng Estados Unidos, Lenin ng Soviet Union, Bolivar ng Timog America at Ho Chi Minh ng Vietnam? At kung sa atin ay si Andres Bonifacio o Emilio Aguinaldo?

Itinakwil ni Rizal ang pagbubuo ng katipunan: “Holding these ideas, I cannot do less than condemn, and I do condemn this uprising-which dishonors us Filipinos and discredits those that could plead our cause. I abhor its criminal methods and disclaim all part in it, pitying from the bottom of my heart the unwary that have been deceived into taking part in it.”

Totoong matindi ang ipinamalas na paninindigan ni Rizal sa pagtangging ito. Kumilos siya nang naaayon sa kanyang paniniwala at hindi nagpadala sa agos ng mga pangyayari. Oo, ito ay isang nakakamanghang katangian ngunit ito ay katangian ng isang magiting na tao, hindi isang magiting na bayani. Sapagkat ang katipunan ang aktibong lumaban at nagnais ng sariling identidad bilang mamamayan ng bansang Pilipinas, at ito ang itinakwil ni Rizal.

Madami pang kontrobersya ang nababalot sa katauhan at tunay na naging intensyon ni Rizal, gaya ng kaso ng retraksyon, na kung napatanuyang totoo ay maaring magkagulo sa pagkakatanghal kay Rizal bilang pambansang bayani. Madami ding nagsasabi na naging tunay na mas makabayan si Bonifacio o kahit na sinung miyembro ng katipunan kasya kay Rizal. Naglakbay lang naman siya, hindi ba? Napansin lamang niya ang problemang pumapatay sa kanyang bayan, at sa pagmamahal dito ay nagsulat at naglimbag ng mga kasulatang nagmulat ng mata ng bawat mamamayang Pilipino noon. Kung ikukumpara siya sa taong isinuko ang lahat, kumuha ng sandata upang mabigyan ng sariling identidad ang kanyang mga anak at ang mga anak ng kanyang mga anak, sino ba ang nararapat?

Sino ba ang nagtatakda?

Ano ang basehan ng pagtakda? Paniniwala o katotohanan?

———————————————————————

PANLIPUNANG KATARUNGAN, REBOLUSYON AT ANG PAGKABAYANI NI RIZAL
ni Elaine G. Jularbal

“From the very beginning, when I first had notice of

what was being planned, I opposed it, I fought it,

and demonstrated its absolute imposibility…”

Ito ay isa sa mga pahayag ni Dr. Rizal noong Disyembre 15, 1896 ukol sa pag-alsa ng rebolusyon ng kampo ni Bonifacio. Sinasabing sakanya nagsimula ang ideya ng rebolusyon ngunit bakit niya ito isinusumpa? Noong sakop pa tayo ng Espanya, nababanggit niya na rebolusyon ang isa sa mga sagot o solusyon para magkaroon ng panlipunang katarungan sa Pilipinas.

Ayon kay Renato Constantino, sa kanyang Veneration Without Understanding, ang lider ng rebolusyon ang dapat na kilalanin na bayani ng bayan. May iilang punto si Constantino tungkol sa pagkatao at mga layunin ni Rizal tungkol sa panlipunang katarungan. Una, hindi sangayon si Rizal sa rebolusyon na pinangungunahan ni Bonifacio kasapi ang iba pang mga Pilipino na nagmimithi ng kalayaan. Ang kalayaan at ang panlipunang katarungan ay magkaugnay na salita sa kadahilanang ang pagkakaroon ng kalayaan ay isang manipestasyon ng pagkakaroon ng panlipunang katarungan. Pangalawa, si Rizal ay isang ‘American-sponsored hero’. Isa sa mga dahilan ng pagiisponsor ng Amerika kay Rizal bilang bayani ng Pilipinas ay dahil siya ay isa sa mga simbolo ng pagapi sa atin ng Espanya at hindi ng Amerika. Pangatlo, sinasabi na iniiwasan talaga ni Rizal ang paggamit ng terminolohiyang “kalayaan” dahil edukasyon ang totoo nating kailangan. Katulad nga ng sabi ni Constantino, sa proseso ng pagkakamit ng kalayaan, tayo ay matututo.

Ang panlipunang katarungan ay makakamit simula sa pagsuri sa katotohanan. Ang pagkakakilala ng sambayanang Pilipino kay Rizal ay dapat na palalimin pa para matutunan natin na hindi tayo dapat basta tanggap lang ng tanggap ng mga sinasabi ng mga dayuhan na dapat nating gawin. Kung kinakailangan nating lumaban, dapat tayong lumaban.

———————————————————————

PAMANA: COME SE GOBIERNAN LAS FILIPINAS
(Inilimbag noong Disyembre 15, 1890 sa pahayagang La Solidaridad)
ni Shanelle N. Lopez

Inilathala sa pahayagang repormistang La Solidaridad, ang artikulong “Come se gobiernan las Filipinas” o “Kung Paano Mamahala sa Filipinas”, ay marahil na maituturing isa sa mga pinakadirektang kritisismo ni Rizal sa noo’y sistema ng pamumuno sa ating bayan.

Ayon sa pagsasalarawan ni Rizal, lahat ng miyembro ng lipunan noon ay sumasang-ayon na may kamaliang laganap sa kanilang gobyerno. Mula sa mga peninsulares hanggang sa mga indio, pati mismong mga prayle na mga punong nakikinabang sa baluktot na pamamalakad ng pamahalaan, lahat sila ay inaaming mayroong problema. Ngunit, ang nakapagtataka ay walang sinumang umaamin na sila ang may sala, walang umaako ng responsibilidad sa paglutas nitong naturang problema at lahat ay kuntento lamang na ibaling ang sisi sa iba.

Ang mga pulitikong nasa puwesto ay sinisisi ang mga tamad na indio para sa pangit na ekonomiya noon. Ang mga liberal naman na insulares at mga ilustrado ay sinisisi ang mga prayle at tiwaling mga pulitko. Ang mga indio ay sinisisi ang mga pulitko, insulares, ilustrado at prayle. Samakatuwid, ang lahat ay sinisisi ang lahat maliban sa kanilang mga sarili. Lahat ay nagtuturuan at walang nais umamin na marahil sila mismo ay parte ng problema. Lahat ay umaangal ngunit walang tunay na pagkilos tungo sa pagbabago ng baluktot na sistema. Lahat ay takot na baka ang kabalikat ng pagbabagong ito ay panganganib lalo ng kasalukuyan nilang kumportable (o natitiis pang) estado ng pamumuhay. Malay nga ba natin na lalong lumubha lamang ang kanilang kalagayan at katayuan dahil sa mga pagbabago sa pamamalakad?

Ngunit, kung hindi magsasagawa ang mga nanunungkulan nang tunay na reporma, kung hindi titigil ang mga prayle sa makasarili at mapanggamit na kaugalian, at kung hindi papayag ang mga Pilipino magpaapi at magpaalila, hindi magtatagal ang ganitong sistema. Isang sistema kung saan ang namumuno sa buong kapuluan ay isang taong wlang karanasan sa pamamalakad sa gobyerno (halimbawa ang mga kadalasang opisyal ng militar na hinihirang na gobernador-heneral ng kolonya) na madalas ay ngayon pa lang mismo masusulyapan ang lupain kanilang pamumunuan.

Tunay na nakamamangha sa artikulong ito ay ang kakayana nitong isalamin hindi lamang ang lipunan sa panahon ni Rizal kundi mismo ang lipunang ginagalawan natin ngayon. Patunay nga kaya ito na hindi umusad ang ating bayan tungo sa pagiging isang bansa kahit pagkatapos ng 110 years? Kung susuriin natin ang larangan ng pulitika sa atin ngayon, lala na sa kalilipias pa lamang na eleksyon 2010, mapapansin na pareho pa rin ang sambit ng maiingay na pulitiko ngayon: hindi ako ang may kasalanan. Ngunit hindi ba isa lamang itong taktika nila upang linlangin ang mga tao, upang mapagtakpan ang kanilang baluktot at mababahong mga sarili?

Pati mismo tayong mga mamayanan ay kuntento nang umupo sa siang tabi at magtiis na lamang, ang ating mga reklamo at angal pabulong lamang na sinasabi. Tumpak nga ang pagkakalarawan ni Rizal sa isa sa mga pangit na ugali ng mga Pilipino: hangga’t hindi ako dorektang naapektuhan, anong pakialam ko diyan? Tayo ay tsaka lamang matutulak gumawa ng hakbangin upang tumulong at kumilos kapaga kapamilya o kaibigan na natin ang nadamay. Sa ganitong makasariling pag-iisip ng mga Pilipino, na haka ni Rizal ay nagbunga pa sa sistema ng mga barangay at tribo noong sinaunang panahon, malabo na magkaroon tayo ng tunay na pagbabago.

Hangga’t walang sentralisado at pinagkaisang tangka ang sambayanan tungo sa mas pinabuting estado ng lipunan, walang magagawang kunkretong pagbabago ang ating kalat-kalat na daing. Hindi natin makakamtan ang tunay na pag-asenso at pagbabago kung tayo ay magihintay at mananahimik lamang sa isang sulok. Ang baluktot nasistema ay hindi tutwid ng kusa at magpapatuloy lamang kung tayo ay mananatiling takot mahsalita at gumawa, at kung tayo ay makukuntento sa nakagawian at nakasanayan. Ang ganitong kaisipan mismo ang naging pamana ni Rizal sa ating henerasyon, isang hamon upang tayo ay sumulong.

———————————————————————

THE MANY THE FAIRER
ni Karen Daisy Mari R. Villa Agustin

Up today, social justice still stays as a vague expression. It may vary depending on the type of society where it exists. The Filipino concept of social justice is more on the promotion of the welfare of all people. It is the common good for the sake of many. This is base on the notion that each citizen in the community reflects the kind of society where they belong. What the citizens are, so as the nation, and so as the whole world. Hence, each individual plays an important role in molding and cultivating the society. Every citizen should work together in building the society. Each one should manage to know the needs and rights of there fellow citizens, and learn how to protect it, for the sake of the whole community. The same thought was stated by Rizal in his letter to the young women of Malolos, 1889:

All men are both equal, naked, without bonds. God did not create man to be a slave; nor did he endow him with intelligence to have him deceived by others. It is not fatuous (meaningless, pointless) to refuse to worship one’s equal, to cultivate one’s intellect, and to make use of reason in all things. Fatuous is he who makes a god of one who makes brutes of others, and who strives to submit to his whims (sudden thought or desire base on impulse rather than reason or necessity) all that is reasonable and just.

This statement talks about liberty and authority. The citizen practices liberty as the government imposes authority. Liberty is a political, social, and economic right that belongs to the citizens of a state or to all people [2]. It is the freedom to think or act without being constrained by necessity or force. But one should not take advantage of the weakness of others. He should submit to the needs of the majority and need not be selfish by just considering his own whims. On the other hand, authority is the power to act on behalf of somebody else, or official permission to do something. It is the right or power to enforce rules or give orders. The ruler should not be greedy, instead it should be concerned with the need and situation of the community it’s holding. The citizens have the right to exercise there just liberty, and it is the job of the government to administer a just or fair authority. One should not overlap the other to maintain the harmony within the society. Establishing the equilibrium between liberty and authority keeps the peace and order in the humanity which provides happiness for all mankind. Another statement of Rizal that supplements the argument is the following from To Work for the Redemption of Humanity, 1924 [1]:

The duty of modern man to my way of thinking is to work for the redemption of humanity, because once man is dignified (showing self-respect) there would be less unfortunate and more happy men that is possible in this life. Humanity cannot be redeemed so long as there are oppressed peoples, so long as there are some who live on the tears of many, so long as there are emasculated (weak and helpless) minds and blinded eyes that enable others to live like sultans who alone may enjoy beauty.

Indeed, social justice is about the harmony that keeps the community bounded with their aspiration of helping and caring one another. Self-discipline is important to develop the sense of responsibility in keeping the harmony within the community. Right conduct of power is also significant in bringing each citizen together. The fate of the society lies within the character being portrayed by each individual that is a part of the community. And together they make up the nation, as well as the whole humanity. And as the great philosopher Plato said, social justice is the greater good for the greatest number.

———————————————————————

KARUNUNGAN, SUSI SA KAUNLARAN
ni Karen Daisy Mari R. Villa Agustin

Dahil sa likas na dunong ng tao ay nakakakalap ng tagumpay ang ating sariling bayan. Karunungan din ang nagpapayabong sa lipunan. Pinapaunlad nito ang pamumuhay ng mga mamamayan. Dahil sa mga kaalamang natutuklasan ng ilang siyentipiko ng agham at mga alagad ng sining at panitikan ay napapayabong ang pamayanan at kaisipan ng bawat taong nananahan dito. Makakatulong din ang karunungang ito upang mapagkaisa ang bawat mamamayan sa pamamagitan ng paggising sa natutulog na damdamin at pagkanasyonalismo ng bawat tao. Susi rin ang karunungan upang maimulat ang bawat isa sa mga kaganapang nangyayari sa loob ng lipunan na direktang nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayan. Paano kaya kung gamitin ang karunungang ito sa pamumuno ng isang bansa?

Ayon sa tula ni Jose Rizal na Dahil sa Karununga’y Nagkakaroon ng Kinang ang Bayan, ang sinumang namumuno na may likas na karunungan ay kabutihan ang dulot sa lipunan. Hindi hahayaan ng isang taong may sapat na dunong na madungisan ang kanyang dangal dahil sa maling pamamalakad. Bagkus ay gagamitin niya ang kanyang taglay na dunong upang masupil ang mga kamaliang umiiral sa lipunan. Maging ang mga hangal mang naninira sa kaayusan ng ating bayan ay kanyang hahamukin at pangangaralan sa mabuting paraan. Handa rin niyang ialay ang taos pusong paglilikod sa mga kapus-palad upang kanilang masilayan ang liwanag at kaginhawaan sa buhay. Kabutihan para sa lahat ang pangunahing pakay ng taong may karunungan na marangal. Ito ang pangunahing bagay na dapat niyang isulong sapagkat ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang lipunan ay mahalaga sa pagpapanatili ng hustisya, at sa kabilang banda, kung walang hustisya ay wala ring pagkakaisa, na hahantong sa pagkabuwag ng lipunan.

Ang sino mang makagagawa ng mga nabanggit nang walang hinihinging kapalit at taos-pusong iaalay ang sariling kapakanan para sa ikabubuti ng karamihan ang siyang tunay na nagtataglay ng marangal na karunungan. Siya ang susi na kailangan ng bayan upang masilayan ng bawat isa ang hustisyang hinahanap at ang pagkakaisang nararapat upang mapanatili ang kaayusan sa loob ng lipunan. Ang karunungang taglay ng taong ito ay mahalaga sa pagbuo ng maayos na lipunan at pagkakaroon ng hustisya sa loob ng isang bansa. Ang pagpili ng pinuno ng bayan ay katumbas ng pagpili ng ating kinabukasan.

———————————————————————

THE FILIPINO CONCEPT OF JUSTICE: DECONSTRUCTING THE WORK OF JOSE DIOKNO
ni Karen Daisy Mari R. Villa Agustin

The paper of Diokno A Filipino Concept of Justice is not about justice in general but justice as a way to measure law, or so called social justice. It is the set of standards or principles on which to base evaluations to avoid violations on the common desire of the Filipinos. The presence of justice is very significant in holding the community together. Social justice must be the common good for the sake of many. This is one of the arguments of the philosopher Plato. Harmony in the polis is important to have a common goal to attain the common good. Each individual in the society has there own responsibilities and duties. Each has there own natural abilities that they could contribute for the whole community. Everyone ought to perform there purpose in the state for which his nature best suited him. By keeping this harmony, one might come to be a single man and not many, which implies that the state as a whole would grow to be a single association and not as many. And when the society is built as a whole, there exists justice. Another argument from Karl Marx is that justice is from each according to his abilities to each according to his needs. But this argument is ambiguous because there is no common notion of what deeds are worthy. Each individual has there own way of weighing the needs and deeds of others, thus making the latter not enough to define justice.

As of today, there are many arguments and notions about what is justice. According to Thrasymachus, from the article of Plato What is Justice?, justice is the advantage of the stronger. This argument is known to be the realistic definition of justice. On the contrary, a more idealistic definition of justice is that it is the one that put limits on what the strong can impose. Justice nowadays seems to be at the hand of those who have power over the people in the society. It is prevalent in the politics of the Filipinos. The might makes right. Those people who have higher rank in the community can dominate the law, which in turn reflects to the notion of justice. To obliterate this wrong practice, Diokno suggests evaluating the principles or standards in constructing notions of justice for the Filipinos. And for these to be done, the study of the Filipino language, particularly the basis of the word justice, must be analyzed.

Diokno stated some traces in his paper that leads to the contemporary concept of justice for the Filipinos. According to him, one common word that is present in some dialects in the Philippines is katarungan, derived from the Visayan root itarong, which means upright, the right act, and appropriate, equity or freedom from bias. This implies that for th Filipinos, justice is doing what is right and not bias, or simply equity which means justice applied in conformity with the law, but influenced at the same time by principles of ethics and fair play.

The Filipino concept of justice is more related to the concept of right. That is why it is stated earlier that for the Filipinos, power and might is a big deal, because often it establishes what becomes right in the society. Diokno also stated in his paper that the Filipino concept of justice is broader than the western concepts because Filipino justice is related to the concept of right, it is related to the privilege of the might that practices authority, and its fundamental element is fairness, which he bases from the argument of Aristotle that justice is giving equal to equals and unequal to unequals, or the concept of proportionality. For Aristotle, justice is proportionate equality. This is so because what is balance is good and what is good is just.

Filipinos are concerned with the goodness for all. Paying attention to the needs of their fellowmen is common for every Filipino. Therefore, there exists the Filipino concept of justice.

———————————————————————

ANG KABABAIHAN NOON AT NGAYON
ni Virjinia Alexis V. Villafuerte

“Duwag at mali ang akala na ang bulag na pagsunod ay kabanalan at kapalaluan ang mag-isip-isip at magnilay-nilay. Ang kamangmanga’y kamangmangan at di kabaita’t puri.”

Mahigit isangdaang taon na ang nakakaraan mula noong isinulat ni Dr. Jose Rizal ang mga mabibigat na salitang ito sa kanyang bukas na liham para sa mga kababaihan ng Malolos. Subersibo at matapang ang naging panawagan ng pambasang bayani sa mga mestizang Intsik na noo’y nakikibaka para sa kanilang karapatan para sa patas na pagkakataon sa pagkakaroon ng edukasyon.

Binigyang-puri ni Rizal ang mga kababaihan ng Malolos dahil sa kanilang matapang na pagtugon sa kaniyang panawagan para sa isang bayan na mulat ang mata sa mga pang-aapi at pagmamalabis na ginagawa ng mga Espanyol, lalo na ng mga prayle. Ani pa nya, “Ang babaing Tagalog ay di na payuko at luhod; buhay na ang pag-asa sa panahong sasapit, wala na ang inang katulong sa pagbulag sa anak, napalalakhin sa alipusta at pag-ayup.”

Mahigit isang siglo na ang nagdaan mula nang isulat ni Dr. Jose Rizal ang kanyang liham, ngunit nakakamanghang isipin na ang diwa nito ay buhay pa rin kahit sa kasalukuyan.

Katulad ng mga kababaihan ng Malolos noon, ang mga kababaihan ng Pilipinas sa kasalukuyan ay patuloy na lumalaban para sa patas na pagtrato sa isang lipunang patriyarkal. Ayon kay G. Fitzsimmons, malayo na ang angat ng mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang laban para iangat ang sariling katayuan sa lipunan, kung ikukumpara sa ibang mga kilusang peminista sa Asya.

Kung makikita, marami nang Pilipina ang nangunguna sa kani-kanilang mga larangan, hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibayong bansa. Nandyan sina Monique Lhuiller, isang sikat na designer; Dra. Fe Del Mundo na nangunguna sa larangan ng medisina; Lisa Macuja, isang world-class ballerina at Lea Salonga na kapwa ring world-class na aktres at mang-aawit.

Ngunit matagal-tagal pa rin ang magiging pakikibaka ng mga kababaihan ng kasalukuyan laban sa opresyon, pagmamalabis at pagsasamantala. Oo, malayo na ang kanilang narating, ngunit, malayo pa rin ang dapat lakbayin.

Kabilang sa mga kababaihang patuloy na lumalaban para sa kanilang karapatan ay si Jacqueline Gonzales, dating pangulo ng student council ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas at kabilang sa Morong 43 na hanggang ngayon ay nakaditene pa rin sa Camp Capinpin matapos mapagbintangang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng isang medical mission. Sa kasalukuyan, patuloy ang mga pagkilos para mapalaya si Jacqueline Gonzales sampu ng mga kasamahan niya.

Bukod pa sa kani-kaniya nilang pakikibaka, may mga organisasyon, tulad ng Gabriela Partylist, Women Crisis Center at National Women’s Club, na kumakatawan, tumutulong at nagsusulong sa pakikibaka ng mga kababaihan para sa isang lipunang nagbibigay ng patas na pagkakataon para sa kanila.

Binigyang-diin din ng pambansang bayani sa nasabing liham ang kahalagahan ng papel ng mga kababaihan, partikular na ng mga ina, sa paglinang ng kamalayang bayan, at winika pa niya, “Ang inang walang maituro sa kundi ang lumuhod at humalik ng kamay, huwag mag-antay ng anak na iba sa dungo o alipustang alipin.” Ito ay pinagtibay sa artikulong pinamagatang Challenge to the Inner Room: Selected Essays and Speeches on Women ni Sister Mary John Mananzan, isanag peministang madre. Ani pa niya, “For good or ill, the women, especially in the Philippines, almost have the monopoly in educating the nature’s citizenry from birth to maturity. The task of education in the family is almost exclusively the mother’s responsibility.”

Hanggang sa kasalukuyan, makikita pa rin ang responsibilidad ng edukasyon na ito na nakaatang sa mga kababaihan. Isang pagpapatunay dito ang mas maraming bilang ng mga babaeng guro sa Pilipinas. Dahil dito nagwika si Sister Mananzan sa kanyang artikulo ng isang panawagan para sa isang pantay na pagtrato sa kababaihan. Ani nya, “It is, therefore, imperative that enlightened education entail re-evaluation of… society’s expectations of males and females roles.” At ang pagtatamang ito, ani pa nya, ay magsisimula sa tahanan kung saan ang mga anak, mapa-babae man o lalaki, ay mapapasailalim sa parehas at patas na pagtrato.

Winika din ni Rizal na sa kabila ng pagiging patriyarkal ng lipunan noong ika-19 na dantaon, ang kalagayan ng bansa ay nakadepende sa estado ng mga kababaihan ng bansa. Tulad nga ng sinabi ni G. Fitzsimmons sa kanyang artikulong, The Changing Role of Women in Philippine Society, ang kulturang Pilipino ay “overtly patriarchal but covertly matriarchal.”

Kung pagtatapatin ang mga pangyayari noong 19th na dataon at nang kasalukuyan, ang katotohanang laman ng mga salita ni Rizal ay lutang na lutang pa rin hanggang ngayon. Kung noon, ang mga kababaihan ay nakatali sa mga batas na inilatag ng mga prayle, makikitang ang buong bansa ay walang laban pa rin sa ilalim ng kapangyarihan ng korona ng Espanya. Makikitang sa kasalukuyan na ang mga kababaihan ay patuloy pa ring nakikipaglaban para sa isang lipunang may patas na pagtrato sa lahat. Ganyundin ang Pilipinas, sa ngayon, ito ay nakikibaka para matalo ang kahirapan, kakulangan sa edukasyon at  korupsyon at para tuluyan nang makahanay sa mga world powers ngayon.

Bilang pagtatapos, ang pagtugon ng mga kababaihan ng Malolos sa panawagan ni Dr. Jose Rizal para sa isang lipunang edukado at mulat sa katotohanan ay simula pa lang ng pakikibaka ng mga Pilipina para sa isang lipunang walang minamata at pinagmamalabisan. Ang boses na itinaas nila laban sa hindi patas na lipunan noon ay siya pa ring boses ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Maraming beses mang itong nasasapawan ng iba pang ingay, patuloy pa rin itong nag-iingay hanggang sa isang araw, sila ay pakinggan.

———————————————————————

SANGGUNIAN NG LAHAT NG MGA ARTIKULO: