Ang mga Modernong Sisa

Ang mga Modernong Sisa

Mula sa kaliwa: Virjinia Alexis Villafuerte, Iris Grace Endozo, Elaine Jularbal, Cha, Karen at Shanelle. Ang nasa dulo ay Prop. Mary Jane Rodriguez-Tatel, guro sa PI 100.

———————————————————————

CHARISSE ANNE DE LEON
2006-18779
BS Electronics and Communications Engineering

Si Cha ay incoming fifth year sa kolehiyo. Mahilig siya sa kape, tsaa at gatas. Pati na rin tsokolate at kung anu-ano pang matatamis na bagay. Mahilig din siyang mag-drawing at manood ng anime. Pangarap niyang makapunta sa outer space.

———————————————————————

IRIS GRACE ENDOZO
2006-15797
BS Computer Engineering

Si Iris ay ngayo’y nasa ika-limang taon niya sa kolehiyo. Mahilig siya sa kulay pink, manood ng mga serye sa telebisyon at mamasyal sa kung saan saan. Masasabing isa sa pinakamalaking kahinaan niya ang kape.

———————————————————————

ELAINE G. JULARBAL
2007-16004
BS Economics

Si Elaine ay mula sa Unibersidad ng Pilipinas Baguio. Malakas ang paniniwala niya na lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit nangyayari – mabuti man ang dahilan na ito o hindi.

———————————————————————

SHANELLE N. LOPEZ
2007-18706

Si Shanelle ay isang adik, adik sa pagbabasa ng mga libro at manga at panunuod ng korean dramas at anime. Mahirap na yatang gamutin ang ganitong klase ng pagka-adik. Isa sa mga pinakamahalagang lesson na itinuro sa kanya ng kursong ito ay na mahirap pala talagang magsulat sa wikang Filipino.

———————————————————————

KAREN DAISY MARI R. VILLA AGUSTIN
2007-66735
BS Mathematics

Si Karen Daisy Mari R. Villa Agustin ay kasalukuyang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas – Baguio. Siya ay isa sa mga nagtuturo ng Pisika at Sipnayan sa Learning Resource Center ng kanilang unibersidad upang matulungan ang ilang estudyante, lalo na ang mga freshmen, sa kanilang aralin sa nasabing mga subjects. Hilig niya ang mag-explore ng iba’t ibang bagay, kaya’t nakakagawian niya ang paglalakbay sa iba’t ibang lugay. Nais niyang alamin kung paano nangyayari ang mga bagay-bagay, lalo na ang mga may kinalaman sa pisika. Gayun pa man ay hindi pa ganoon kalawak ang kanyang kaalaman kaya’t pinagsisikapan niyang makapagtapos ng kanyang pag-aaral upang mas mapalawak pa ang kanyang karanasan. Mahilig din siyang manood ng mga pelikula, at tumugtog ng piano at gitara.

———————————————————————

VIRJINIA ALEXIS V. VILLAFUERTE
2007-03867
BA Broadcast Communication

Si Alexis ay isang incoming senior sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon. Ngayon ay nahihilig siya sa photography at audio-video editing. Bukod pa dito, mahilig rin siyang magbasa at manood ng mga pelikula. Sa kasalukuyan, siya ang Vice Chairperson ng UP Mass Communicators Organization.